7 Reasons - FILIPINO LYRICS

*Translation by Kristine (@krstn0723)
Balikan, kung ating babalikanNoong tayo'y mga musmos at pilit na nilalabanan ang takotPitong taong puno ng sugat.Mga matang nakamulat at puno ng pangarapSinong magaakalang kabataan ko'y magiging ganito?
Nariyan ka ng ang mga sagot ay malaboNasa aking tabi ngunit akala ko'y malayoSa mga palatandaan ako pari'y nalilitoKung ang buhay ba ay isang dagat o disyertoNgunit ni minsan hindi mo ako sinukuanKahit sa mga oras na takot akong maging ako...
Dahil kayo ang pitong rason ng aking pananatiliNaglalakad sa inyong tabi maganda man o hindi ang bawat sandaliDahil sa inyo natutunan kong mahalin ang aking sariliAt magtiwala sa proseso ng buhayAt kung tatanungin nila ako kung bakit parin ako nangangarapSilang pito, aking rason, kung bakit ako'y maniniwala
Balikan ang panahong pilit kong tinatago ang aking mga luhaSumigaw sa hangin "alam ko, sa buhay na ito hindi ako mananalo"Ngunit dumating ka ginamot ang aking pusoPinagsimula muli, bagong umaga'y daratingDahil ni minsan hindi mo ako sinukuanSa bawat kanta at salitang inyong binitawan
Dahil kayo ang pitong rason ng aking pananatiliNaglalakad sa inyong tabi maganda man o hindi ang bawat sandaliDahil sa inyo natutunan kong mahalin ang aking sariliAt magtiwala sa proseso ng buhayAt kung tatanungin nila ako kung bakit parin ako nangangarapKayong pito, aking rason
Patulo'y parin silang magtatanong kung bakit ang daang ito ang pinili koBakit hindi ako humihintoHindi ako hihintoDahil pagkatapos ng bawat tag-araw, tag-sibol, tag-lamig at tag-lagasMayroon lamang pitong rason, kung bakit ko ginagawa lahat ng ito
Dahil kayo ang pitong rason kung bakit ako nanatiliKasama nyong ngumiti at lumuha, naalala nyo ba ang bawat sandaliDahil sa inyo natagpuan ko rin ang aking sariliSa kabila ng mga pagsubok hindi nyo parin ako iniwan
At kayo ang pitong rason sa aking pananatiliNaglalakad sa inyong tabi maganda man o hindi ang bawat sandaliDahil sa inyo natutunan kong mahalin ang aking sariliAt magtiwala sa proseso ng buhay
Kaya kung ako'y kanilang tatanungin kung bakit ang pangrap ko'y patuloy parinKung bakit ako'y naniniwala parinAt kung tatanungin mo ako kung bakit ako'y nandito parin
Kayong pito, aking rason
Nagiisang rason
** You don't see the translation in your language and you want to contribute with translating it? You can now do it, you'll just need to fill out this form 
EmailSpotifyYouTubeTwitterInstagramTikTok